UNUD-SUNOD na ang audition para sa Pinoy Idol, kahit sa June pa raw ito iere sa GMA-7.

Magandang birthday gift kay Raymond Gutierrez (Jan 21 birthday nila ni Richard Gutierrez) ang pagkakapili niyang host ng singing talent search.

Kung ang kakambal ay ang worth P7 million Porsche Cayenne at Valentine's Day movie na My Bestfriend's Girlfriend ang birthday gifts, si Raymond ay bagong show.

Sina Wyngard Tracy, Jolina Magdangal at Ogie Alcasid naman ang new judges ng PI, na aprubado ng Fremantle Media, pati ang host nito.

Ang mga susunod na auditions ay sa Jan. 24 sa SM Batangas, Jan. 31 sa SM Iloilo, February 7 sa SM Cebu, Feb. 14 sa SM Davao, Feb. 21 sa SM malls sa Metro Manila, March 13 sa SM Pampanga, Mar. 16 sa Stadia Dagupan and Mar. 27 sa Naga.

Applicants should dress to impress!

* * *

NAGREREKLAMO ang fans nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa naging ending ng Ysabella at hindi nila naintindihan kung bakit pinatay na naman ang character ng TV host-actor.

Double-dead daw ang character nito't twice pinatay at ang hindi maganda, ang dalawa ang sinisisi ng kanilang fans sa nagtapos na teleserye.

Ang akala ng fans, kagustuhan nina Judy Ann at Ryan ang ending na hindi sila ang magkakatuluyan. Last project pa naman ito ng dalawa at mukhang matatagalan pa bago sila muling mapanood sa serye ng ABS-CBN.

Para malinaw ang lahat, ipinarating namin kay Ryan ang reklamo at galit ng fans sa kanya at kahit nasa Amerika pa'y sumagot ito.

Heto ang kanyang pahayag: “Hindi kami ang namili ng ending ng Ysabella. Ako pa ba ang tatangging magkatuluyan kami ni Juday sa kuwento? Imposible 'yun! “Pre-set na ang ending nu'ng i-present sa amin. Masakit na dinouble dead ako sa kuwento, pero 'yun siguro ang tingin ng management na magandang mangyari sa akin. Inuulit ko, hindi ako, and not even Juday, chose the ending. That was how management regards our team-up siguro.”

Heto pa: “It's not also true that we don't want to work together. We still have film commitments with Regal and OctoArts together. Funny, but after d successful SSS & Ysabella, ang ABS ang may planong paghiwalayin kami ng soap opera. To think na unlike Sa Piling Mo, with Juday and Piolo (Pascual) and the new soap with Derek (Ramsey) and Juday, wala pa kaming soap na kami talaga ni Juday ang tinatayaan.

“Not Krystala dahl tatlo kaming pinackage na leading men ninaTJ Trinidad at Sid Lucero and not Ysabella which was sold as a Juday starrer with a triangle. In fairness to me, kailan kaya ako tatayaan ng ABS at magiging priority like other stars na sunud-sunod ang projects sa kanila?”

Pinag-react din namin ang manager ni Ryan na si Noel Ferrer na hindi rin natutuwa sa nangyayari sa kanyang talent.

Sabi ng text message nito: “I surely don't think that this is the price of loyalty and box-office hits.”

Ang maganda lang daw kay Ryan, hindi nawawalan ng options at lagi pang nag-i-excel.

* * *

SHOWING sa Wednesday, January 23, ang P.S. I Love You na pinagbibidahan nina Hilary Swank at Gerard Butler.

Bagay itong Valentine's Day movie, dahil sa temang love never dies kahit sa kamatayan at pinanatiling buhay ang pag-iibigan ng mga bida through letters.

Ang kagandahan sa pelikula, hindi ka pipiliting umiyak at mararamdaman mo na lang na umiiyak ka na. Gusto namin ang takbo ng istorya na up to the end, hindi alam kung sino ang makakatuluyan ni Holly Kennedy (Hilary), kina Harry Connick Jr. at Jeffrey Dean Morgan.

Isa pang kapuri-puri sa pelikula'y ang ganda ng dialogue at magandang OST o original sound track. After the press preview, gusto naming maghanap ng OST ng movie sa record bars.

Type rin namin ang pagka-fashionista ni Hilary Swank at ang gaganda ng mga damit. Para siyang si Sarah Jessica Parker sa Sex in the City. Ibang-iba siya rito sa Million Dollar Baby at Boys Don't Cry.

Of course, ang galing-galing ni Gerard at sumisigaw ang sex appeal nito. Kasama rin sina Kathy Bates, Lisa Kudrow, Gina Gershon at marami pang iba.

* * *

NGAYONG Lunes sa Zaido, isang trahedya ang magaganap sa muling paghaharap ng mag-amang Alexis (Marky Cielo) at Drigo (Jay Manalo) at ng mag-inang Luna (Isabel Granada) at Lyvia (Pauleen Luna).

Milagro rin na kung kailan isasakatuparan na ni Gallian (Dennis Trillo) ang pagpatay kay Carmela (Diana Zubiri), magigising naman ito. Alam ng dalaga na sadya siyang iniligtas ni Gallian sa kamatayan.

Bago magtapos ang episode, isang nilalang na nakakulong sa yelo ang makakawala upang maghiganti sa mga Zaido.

Napasok na rin ng nagbalatkayong mga Kuuma ang Galactic Force at nahanap din nila ang katawan ng Panginoon nilang si Le-Ar.

Simula na ito ng matinding gulo sa mundo ng mga Zaido, kaya 'wag palampasin.

* * *

KAHIT may Maging Akin Ka Lamang na si Nadine Samonte na magpa-pilot ngayon, tuloy pa rin ang petition ng kanyang fans at kahit 'di niya fan na viewers ng GMA-7 na sa kanya ibigay ang Dyesebel.

Naalarma ang fans nang malamang nagka-casting na at pagkatapos ng Marimar, ito na ang gagawin ni Direk Joyce Bernal.

Ang nakakalimutan naming itanong kay Nadine ay kung willing siyang mag-topless, dahil kung kay Marian Rivera ibibigay ang project, magta-topless ito.

Ang nabanggit pa lang nito, gusto niyang mag-Dyesebel kahit mahirap ang taping at kahit takot siya sa dagat, kakayanin niya.

- -

 

 
 
 
 
 
 
 
Copyright © Showbizpinoy.com