|
anda na si Nadine Samonte sa mga daring role. Sa Maging Akin Ka Lamang, may kissing scene sila ni Polo Ravales, na balitang pinagselosan ng non-showbiz boyfriend ng actress.
Itinanggi naman ni Nadine na nagselos ang boyfriend niya. All-out daw ang support nito sa trabaho niya't maunawain daw ang binata.
“Paunti-unti, pero it should be done in good taste if ever na magkaroon ako ng mga daring role. Naiintindihan niya ang trabahong pinasok ko, kaya walang problema,” say ni Nadine.
Samantala, nilinaw naman ni Polo na hindi totoong pinormahan niya si EB Babe Lian Paz. Lalo raw walang katotohanan ang tsikang siya ang dahilan ng paghihiwalay nina Lian at Mark Herras.
“Okey lang na i-link ako kahit kanino, pero ang pagbintangan akong naging dahilan ng breakup ng dalawang nagmamahalan, teka muna, hindi na yata maganda 'yan,” paliwanag ng aktor.
Kasama nga pala nina Nadine at Polo sa GMA-7 Sinenovela na Maging Akin Ka Lamang sina Isabel Oli at Carlo Aquino.
Tulad ni Nadine, may isyu rin si Isabel. Kesyo binantayan daw ng BF niyang si Paolo Contis ang romantic scene nila ni Polo sa MAKL.
“Yes, nandoon si Paolo nu'ng kunan ang romantic scene namin ni Polo. Nailang nga ako kaya pinaalis ko muna siya. Hindi ako makaarte, eh. Pero hindi naman siya nagselos o nagalit. Naiintindihan naman niya ang trabaho ko,” say ni Isabel.
* * *
SPEAKING of Carlo Aquino, gulat na gulat ang young actor nang usisain ng press tungkol sa papel niya sa tampuhang manager-talent nina Chit Ramos at Maja Salvador.
Si Carlo kasi ang isa sa itinuturong dahilan ng tampuhan ng dalawa.
Pero, sabi ng young actor, matagal na niyang hindi nakikita si Chit at hindi totoo ang mga bali-balita.
As far as he knows daw, hindi masama ang loob ni Chit sa kanya, walang rason dahil tumigil na siya sa panliligaw kay Maja.
Hindi na rin daw sila madalas magkita ng young actress pero aminadong may communication pa rin sila.
Magkita man daw sila ni Maja, 'yun ay kung wala lang sila parehong trabaho.
* * *
Grabeng tension pala ang pinagdaanan ni Anjo Yllana nang magsilang ng sanggol ang asawa niyang si Jackie Manzano sa San Francisco, California, last Dec. 4.
Sabi ni Anjo, lagi siyang nasa tabi ng phone para alamin kung ano na ang kalagayan ni Jackie.
Nagsimula ang pag-aalala ni Anjo sa asawa nang makarating sa kanya ang balitang malalagay ito sa panganib oras na ituloy ang pagbubuntis at panganganak.
“Ganoon pala ang pakiramdam 'pag nalagay sa panganib ang mahal mo sa buhay. Gusto mo mang tumulong, wala kang magawa,” say ni Anjo
“Tinanong ko kung normal ba ang bata. May paa ba? Wala bang diperensya? Si Jackie, okey ba? Wala bang problema?” sunud-sunod na tanong ni Anjo.
After Christmas na niya napuntahan si Jackie sa Amerika with their kids.
Last week lang siya bumalik ng bansa.
* * *
INTERESTING na naman ang pag-uusapan sa The Sweet Life ni Lucy Torres-Gomez mamayang gabi.
Co-host niya rito sina Wilma Doesnt at Grace Lee.
Sabagay, lagi sinisiguro ni Lucy na kapupulutan ng aral ang mga bagay na dini-discuss nila sa programang napapanood sa QTV 11, 6:30 p.m., Monday to Friday.
Ang lahat ng celebrity guests nila'y nagbibigay ng naka-i-inspire na aral sa mga naging karanasan sa buhay.
- -
|